Archive for June, 2008

2008
*magtatagalog muna
Naku, halos nasabi ko na yata yung karamihan sa nangyari this month of June sa PinkRoyalty.net kaya nga medyo walang masyadong updates dito sa caryl.prettychiq.net. Muntikan na ngang ma-delete tong site na to eh dahil medyo walang updates. Mabuti naman at medyo mahaba-haba pa ang pasensya ni miss Lhadymitch, host ko, at binigyan pa ako ng chance na ma-maintain tong site na to.
Ang masasabi ko lang, feel ko eh mas maraming contests akong masasalihan this school year compared to last year. May nadagdag na kasing subject at may gaganapin daw na contest, next month siguro yun. I really don’t know. All I cared about was that ako ay isa sa mga contestant.
Nung 3rd year pa kasi ako, andaming contest na hindi namin nasalihan kasi walang masyadong budget yung paaralan namin. Ang masasabi ko lang eh “Sayang”.
Maliban dun, may contests rin na sinalihan ng batch namin last year na hindi na siguro namin masasalihan ngayong year na to ( kasi Seniors na kami ) tulad ng Munato Festival ( Sayew d’ Dalan ) at yung tuwing Foundation Day ng Town namin ginaganap ang Lubi-Lubi Fest. Nakakapanghinayang ngunit nakaka… ewan ko! nakakapagod na rin kasing sumali sa mga festival festival na yan eh!
Andaming churva sa katawan, at ang kakati pa! Not to mention na nilalagyan pa pala kami ng paint sa buong katawan nang paulit-ulit.
Nakaka-excite naman, next year eh gagraduate na ako! Yipeee!
Marami na namang maidadagdag sa extra-curricular ko kapag nanalo ako/kami sa mga contest. As usual, naloloka na naman ako dahil sa kaba. Kelan pa kaya mawawala to? 
58 views